xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Jokes,Quotes, Banners, Photos, Videos

Where fun is serious...

Di Naka-attend si Inday sa Laban ni Pacquiao



Matapos magcelebrate nila Pacquiao ay naisipan nyang kamustahin ang kaibigan nyang si Inday kaya tumawag sya ng long distance.

Nag-ring ang phone ng Montemayor at ang amo ang nakasagot.

Manny: Hilow, pwide kay Inday?

Amo: Teka lang. (mukhang irita na may tumatawag kay Inday)

INDAYYYYY!!!!

Inday: Yes? Who is it?



Amo: Ewan. Pakibilisan na lang, may tatawagan pa ako.

Pinasa kay Inday ang phone.

Inday: Hello?

Manny: Inday? Kamusta ka? Di mo pala ginamit ang tikit na binigay ko sayu para sana nakanood ka sa ringsayd.

Inday: Manny? Hey!!! It’s you!

Hinimatay ang amo nang nalaman nyang si Pacquiao pala ang tumawag.

Inday: I was so caught up with the household chores here that I didn’t have time to fly there in Vegas. But I would like to offer my congratulations to you for triumphing in your match. You really got so dexterous and vicious out there.

Manny: (mukhang di gaanong naintindihan sinabi ni Inday) Ahh tenkyu! Sa awa ng Diyos di ako masyadong nahirapan. Di ko alam piru parang ang bagal ni Dabid kanina. Nagkapilipit pilipit ata ang masel.

Inday: Hahaha. You were so swifty that he didn’t know what hit him. He even mentioned afterward that he thought Roach was also there in the ring socking him. (chuckle)

Manny: Napansin nya pala yun? Tinitisting lang namin ni coach Frid kung mabagal nga talaga sya eh. Hahaha.

Inday: Manny you’re so mean. Such a joker. Anyway, I have to cut this short. Still have things to do.

Manny: (mukhang disappointed) Ah ganun ba. Sigi pagbalik ko mag-istarbaks tayu ha.

Inday: Let’s take a rain check on that ok? Thanks for calling. Tata!

(Mukhang chummy sina Inday at Pacquiao ah -manager)

0 comments:

Post a Comment

Subscribe

Enter your email address:


Join My Community at MyBloglog!

Blog Archive

Recent Comments

Most Popular

Recent Posts

Followers